Para kay Senator-elect Tulfo MIDDLE CLASS ‘DI PA KAILANGANG BIGYAN NG FUEL SUBSIDY

WALA pang nakikitang dahilan si Senator-elect Raffy Tulfo upang saklawin ng ibinibigay na ipinamimigay na ayuda sa transport sector ang mga miyembro ng middle class.

Sinabi ni Tulfo na kaya pang umagapay ng mga middle class sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang higit anyang nangangailangan ay ang mga miyembro ng komunidad na hindi pa rin tumatanggap ng minimum wage.

Sa datos anyang nakarating sa kanya nasa walong milyong Pinoy pa ang mga below minimum wage ang tinatanggap at sila ang dapat na makakuha ng ayuda mula sa gobyerno.
Kahapon ay nagtungo na si Tulfo sa Senado para sumailalim sa legislative briefing.

Umikot din si Tulfo sa buong Senado at sinubukan na rin ang kanyang pwesto sa interpelasyon sa loob ng plenaryo.

Sinabi pa ni Tulfo na bukas siyang sumali sa kahit kaninong bloke sa Senado tulad ng macho bloc at Seatmates bloc.

Tiniyak din niyang siya mismo ang lalapit sa mga senador bilang siya ang pinakabagong miyembro ng Senado.

156

Related posts

Leave a Comment