Para masigurong walang whitewash KAMARA, DOJ PASOK SA BREE JONSON CASE

TUTUTUKAN din ng mababang kapulungan ng Kongreso ang imbestigasyon sa pagkamatay ng visual artist na si Bree Jonson upang maiwasan umano ang whitewash sa nasabing kaso.

Ito ang napag-alaman kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas lalo na’t maimpluwensya ang person of interest sa kaso na si Julian Ongpin.

“A thorough investigation on her death must be done to rule out suspicions of foul play and whitewash, especially as a member of the powerful Ongpin family was with the artist during her death,” ani Brosas.

Si Julian na anak ni Roberto Ongpin, ang huling kasama si Jonson sa isang resort sa San Juan, La Union bago ito natuklasang walang buhay.

Sa pagresponde ng mga pulis ay nakakumpiska umano ng 12.6 gramo ng cocaine sa kuwarto ni Ongpin kaya ito dinakip ngunit agad ding pinalaya ng piskalya dahil sa teknikalidad.

Dahil dito, kailangan aniyang tutukan ang kaso ni Jonson na ayon sa paunang report ay nagbigti umano.

“We will closely monitor the case and will await further findings of the authorities,” ayon pa sa mambabatas.

Umapela rin ang mambabatas sa netizens na itigil na ang paninisi sa biktima dahil hindi ito makatarungan kay Jonson na hindi na kayang ipagtanggol ang sarili.

“We also appeal to some netizens to stop victim-blaming, which only reinforces the misogynist projections of women in our society,” dagdag pa ng solon.

Pormal na ring pumasok ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Jonson matapos itong hilingin ng pamilya ng biktima.

Bukod dito, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na sila na ang hahawak ng kaso ni Jonson.

Ito’y matapos mabutasan ang mga pulis sa proseso ng pagdakip at pagsasampa ng kaso laban kay Ongpin.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nais nilang matiyak na isasagawa nang maayos ang imbestigasyon. (BERNARD TAGUINOD/RENE CRISOSTOMO)

109

Related posts

Leave a Comment