ANGONO, Rizal — Isinagawa ng Angono Municipal Police Station (MPS) nitong Setyembre 21, 2026, bandang ika-8 ng umaga, ang Pagtataas ng Watawat at pagpapakilala sa B.E.S.T. (School Alert and Rapid Response) System sa Carlos Botong Francisco National High School sa Barangay Mahabang Parang, sa nasabing bayan.
Kasunod ng seremonya, nagsagawa ng pagpupulong ang pulisya kasama ang punong-guro, mga opisyal ng PTA, kawani ng paaralan, at mga kinatawan ng mga mag-aaral. Tinalakay rito ang pagpapatupad ng bagong sistema na naglalayong palakasin ang mabilis na pag-uulat, ugnayan, at pagtugon sa anomang kaganapan o banta sa loob ng paaralan.
Ipinaliwanag sa mga dumalo ang kahalagahan ng mabisang mekanismo ng pagbabantay at pakikipagtulungan sa kapulisan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga kalahok na maghayag ng mga alalahanin at magmungkahi ng mga hakbang para sa mas ligtas na kapaligirang pang-akademiko.
Matagumpay na natapos ang gawain sa tulong ng aktibong pakikilahok ng pamunuan ng paaralan at mga magulang, na lalong nagpatibay sa pagkakaisa ng kapulisan at pamayanan sa pagtataguyod ng katiwasayan sa mga paaralan.
(KNOTS ALFORTE)
51 