PARAAN PARA MAGING MATALINO ANG MGA BATA

Young Genius

(Ni ANN ESTERNON)

Sa halos pagbubukas pa lamang ng klase ng mga bata sa paaralan, ang palaging iniisip ng mga magulang ay kung paanong magiging alerto at matalino o kaya’y maging productive ang kanilang mga anak.

Iiwas ang mga bata sa electronic gadgets. Hindi sila kailangang maging electronic overload.

Sa mga ganitong bagay ay nauubusan sila ng panahon para sa activities na dapat sana ay makakapag-develop ng galaw ng kanilang mga utak at magpapalakas sa kanilang mga katawan.

Patunay sa maraming pag-aaral na kapag ang bata ay lantad nang husto sa electronic gadgets ay nagiging obese ito, mahina ang katawan at mapurol ang utak. Ito kasi ang nagiging resulta dahil buhos na buhos ang oras ng mga ito kakagamit ng gadgets.

Sa halip na mamonitor ang pagkaing may tunay na sustansya ay nauubos ang oras sa kapapanood ng nasa gadgets na hawak nila kaya panay lang kain na hindi namamalayan na ito pala ay junk food na o mataas sa calories na nagpapalobo sa katawan ng mga bata.

Nakakahina rin ng ulo ang gadgets dahil mas tutok lamang sa partikular na laro ang bata mula rito. Wala nang oras sa iba pang school activities o pag-aaral dahil lamang sa kakalaro sa computer games.

Paraan para maging alisto at matalino ang mga bata

– Kailangan nilang magbasa palagi pero mas maganda kung ito ay talagang babasahin o nakaimprenta sa papel. Old-school way man o ang tinatawag na native paper readers, mas maganda pa rin ito dahil sa maraming bagay. Ayon sa pag-aaral ang pagbabasa sa papel ay mas may advantage kaysa basahin ang nasa screen.

Sa screen, ang tendency ay posibleng mas mabilis tayong magbasa pero mabagal namang umintindi, mabagal din ang learning process, mahinang magmemorya at mas may pagnanais na magpahinga o matulog dahil sa mabilis na pagkapagod ng mata. Mahirap din para sa mga batang malantad sa computer screen dahil maaaring ikasira agad ito ng kanilang paningin.

Matapos magbasa ng mga bata ay eeksamin sila at alamin kung tungkol saan ang kanilang mga binasa. Maging practice na sa kanilang pagbabasa ay mayroon kayong tanungan kahit pa mula sa mga kapatid, lolo o lola at iba pa. Sa ganitong paraan ay nagiging normal din sa bata na mag-isip, makipag-interact, at maging creative.

– Introduce Math. Alam nating marami ang hindi makaintindi sa math subject. Pero habang bata pa ay dapat mamulat na ang bata na isa ang math sa mahahalagang subjects sa school. Magkaroon ng math activities sa bahay man o habang namimili kayo sa grocery stores. Dapat mathematically ay nag-iisip sila, maaaring tanungin kung ilan ang kailangan para mabuo ang pera na ipapambayad sa isang item. Pwede ring hikayatin ang bata sa pagluluto at alamin ang tungkol sa recipe nito lalo na kung ilan ang kailangan sa ingredients.

– Habang musmos pa ang bata ay dapat may sapat na oras ito sa pag-eehersisyo o paggalaw-galaw ng katawan. Ang pagtakbo o habulang-bata sa labas ay mainam para sa kanila, kabilang na rito ang iba pang interaksyon sa iba pang mga bata lalo na kung sila ay nasa parke o playground. Daan ito para tumibay din ang kanilang immune system.

– Pakainin ng mga gulay at prutas. Makakatulong na makumbinse silang kumain nito kung nahahaluan ng kaunting laro o pagdedekorasyon sa pagkain, halimbawa. Kailangan nila ng sapat na nutrisyon para hindi maging mapurol ang utak sa klase.

617

Related posts

Leave a Comment