PAROL VENDOR ISINALBA SA KLIYENTENG NAG-1-2-3

PINAKYAW ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 700 parol sa isang vendor sa Central Market makaraang mabalitaan ang pag-iyak ng huli nang magkansel ang buyer na omorder nito.

Batay sa ulat ng Manila Public Information Office, nakita ng alkalde ang post sa social media ng parol maker na si Maximo Simon alyas “Lakay” at naantig sa pag-iyak nito nang hindi kunin ng buyer ang pinaghirapang parol na may malaking puhunan.

Ayon kay Simon, bawat isang simpleng parol ay isang oras na tinatapos simula sa pagsibak ng kawayan, pagtatali at pagdidikit ng materyal para mabuo kaya napakatagal nilang pinaghirapang tapusin ang 700 piraso na hindi naman kinuha ng nag-order na buyer.

“Matagal na po ‘yan, kontrata kasi na po ‘yan, 10,000 piraso – kontrata iyan. Ang due date namin November 30, eh hindi naman natapos. Nag-additional ng 15 days. Noong December 11, may gawa ko 700, pina-stop ako kasi nagkaproblema sila tapos ‘di na kukunin ang parol,” pahayag ni Simon.

Binayaran ng lokal na pamahalaan ang 700 pirasong parol sa halagang P51,000 na kasalukuyan nang nakasabit sa ilang lugar sa barangay sa Distrito ll sa Sta. Cruz, Manila.

Dugtong pa ni Simon, kung hindi pinakyaw ng alkalde ang mga parol ay magkakaproblema siya sa inutang niyang puhunan lalo’t nahirapan din silang makabangon dulot ng pandemya. (RENE CRISOSTOMO)

150

Related posts

Leave a Comment