PARTY-LIST GINAMIT NG MGA KONTRATISTA SA GOBYERNO PARA MAKAPASOK SA KONGRESO

MISTULANG pinamumugaran ng mga kontratista sa gobyerno ang kasalukuyang Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa pagkapanalo ng ilan sa mga ito sa 2025 midterm election.

Dahil dito, hindi naiwasang birahin ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima ang paggamit ng mga contractor sa party-list system para maisulong ang kanilang pansariling interes sa Kamara.

“Masyado nila bina-bastardize ang party-list,” ani de Lima.

Nabatid na sa nagdaang halalan noong Mayo, 19 contractor umano ang nominees ng 16 na party-list group kung saan marami sa mga ito ang nakaupo ngayon sa Kongreso.

“During the campaign period I was saying that already kasi meron diyan na ilan-ilan na party-list ang mga nasa likod, either mga nasa likod or sila ang mga nominees, ang alam ko based on informations are actually contractors or with links to companies of contractors,” ani De Lima.

Hindi na nagbanggit ng pangalan ang mambabatas subalit isa aniya ito sa pangunahing dahilan kung bakit itinutulak niya ang pag-amyenda sa party-list system act dahil nababastos na umano ang nasabing sistema ng malalaking negosyante.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ginawa ang party-list law upang magkaroon ng boses ang mga marginalized sector sa Kongreso tulad ng kabataan, kababaihan, magsasaka, mangingisda, urban poor, mga katutubo at iba pa.

“So how can we have a party-list or party-list Representatives na mga contractors and evidently their primary agenda is to benefit from projects at that would be self-serving,” ayon pa kay De Lima.

Samantala, naghain naman ng hiwalay na panukalang batas si Caloocan City Rep. Edgar Erice laban sa political dynasty kung saan maging ang party-list ay dapat sakupin ng pagbabawal sa magkakamag-anak na tumakbo nang sabay-sabay.

“This proposed measures seeks to curtail the perpetuation of political dynasties by limiting to a maximum of two (2) family members within the second degree of consanguinity or affinity who may simultaneously run for or hold elective office or as party-list Representatives,” ayon sa House Bill (BH) 2037 ni Erice.

Sa kasalukuyan ay may mga party-list congressman ang may nakaupong kaanak sa mga elected position sa gobyerno.

(BERNARD TAGUINOD)

115

Related posts

Leave a Comment