PASAHERO NG MOTOR TAXI BINARIL, PATAY

RIZAL – Patay ang isang lalaki makaraang barilin habang nakaangkas sa motor taxi sa Col. Guido Extension, Brgy. San Roque, sa bayan ng Angono sa lalawigan noong Huwebes ng gabi, Hulyo 10.

Kinilala ang biktimang sa pangalang “Reymund”, 46-anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Angono Municipal Police Station, sumakay ang biktima sa Joyride pauwi sa kanilang bahay.

Ngunit habang bumibiyahe ay narinig ng driver na dumadaing ang biktima na sumasakit ang kanyang katawan.

Agad huminto ang driver upang tingnan ang pasahero at napansin na may umaagos nang dugo mula sa katawan ng nito.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang biktima sa mga customer ng isang café na humingi naman ng saklolo sa himpilan ng pulisya ngunit nalagutan ng hininga ang biktima dahil sa tama ng bala.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam kung saan nanggaling ang balang tumama sa biktima at kung sino ang responsable sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

38

Related posts

Leave a Comment