PINAMAMADALI ni Senador Joel Villanueva sa Department of Trade and Industry (DTI) ang proseso ng loan para sa Small Business Corporation (SBC) upang matulungan ang micro, small and medium enterprises (MSME) sa pagpapatuloy ng kanilang negosyon at upang matiyak na makapagbibigay sila ng benepisyo sa mga empleyado tulad 13th month pay.
Ipinaalala ni Villanueva na sa ilalim ng Bayanihan 2 law, naglaan ng P10 bilyon na dagdag kapital para sa SBC upang mapalawak pa ang pagpapautang nito sa mga MSMEs na lubhang naapektuhan ng pandemya.
“Access po sa kapital ang napakahalaga sa mga MSMEs para maka-survive sa epekto ng pandemya dahil limitado pa rin ang operasyon ng karamihan ng mga negosyo,” diin ni Villanueva.
Aminado si Villanueva na sa ngayon marami sa mga negosyo ang nagpapatuloy at sapat lamang ang kita para sa pang-araw-araw na gastusin at di kakayanin ang iba pa nilang obligasyon tulad ng 13th month pay.
Dahil dito, dapat maging accessible sa mga negosyante ang pautang para makatulong sa paglago ng kanilang negosyo.(DANG SAMSON-GARCIA)
BUDGET NG OFFICE OF THE PRESIDENT, APRUB AGAD SA SENATE PANEL
NASA 30 minuto lamang ang itinagal ng pagtalakay ng Senate Finance Sub-Committee na pinamumunuan ni Senador Bong Go sa panukalang P8.239 bilyon na 2021 budget ng Office of the President (OP).
Inaprubahan din ng kumite ang P715.6-million proposed budget ng Presidential Management System (PMS) na mataas ng 1.15-percent sa kasalukuyang pondo.
Naging mabilis ang approval kasunod na rin ng suporta ng mga kapwa senador.
“I fully support the budget of the OP. Baka pwede pang dagdagan,” saad ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri said.
Sa kanyang panig, sinabi ni Senador Sonny Angara na nagmosyon ng pagsusumite ng panukla sa plenaryo, na tradisyon na sa Senado ang mabilisang approval sa budget ng OP at PMS.
“If there are no other questions, eventually, we would like to move for the termination and the elevation of the budget of the OP and PMS to the plenary with a favorable recommendation and possible augmentation at the proper time,” saad ni Angara.
“Okay. No more questions? With no other senators wishing to ask questions, the budgets of the office of the president and the PMS are hereby approved on the committee and are deemed submitted to the plenary,” sagot naman ni Go. (Dang Samson-Garcia)
192
