MULING ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taumbayan ang mapayapa at malinis na halalan sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“Again, it is my commitment to the nation that the elections will be peaceful and free from violence, intimidation of voters. Wag ninyo gawin iyan because I would still be here to oversee the elections,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang anomang election-related violence na mangyayari sa panahon mga nalalabing buwan ng kanyang administrasyon.
“Do not do it kasi I will see to it na itong eleksyon na ito ay malinis at walang dayaan, walang patayan sa panahon ko. Maghanap kayo ng ibang presidente. Huwag ninyong gawin sa akin kasi pupuntahan talaga kita,” anito sabay sabing ang mga politiko ay hindi dapat gumamit ng karahasan para puwersahang iboto ang mga ito sa eleksyon.
Ipinangako rin ng Punong Ehekutibo na poprotektahan niya ang pagkasagrado ng boto ng mamamayang Pilipino. (CHRISTIAN DALE)
172
