PAYAPANG HALALAN PANAWAGAN NG GRUPONG AKO SOLUSYON

NANAWAGAN ang grupong “Ako Solusyon” sa kanilang isinagawang National Assembly sa Fort Bonifacio sa Taguig City ng mapayapang halalan para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Daisy Encabo, isa sa regional leaders ng “AKO SOLUSYON”, ang grupo nila ay nagmula sa Mindanao Region na ngayon ay unti-unti nang lumalawak sa Visayas at Luzon region upang pagtulungan sa pamamagitan ng panawagan, pagkakaisa at aksyon ang mga kinahaharap na problema ng bansa.

Ang naturang grupo ay binubuo ng 4,234,232 members na mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ani Encabo, maraming kinakaharap na problema ang bansa na dapat na mabigyan ng solusyon lalo na ang nagaganap na awayan ngayon sa pagitan ng mga hahal na opisyal.

Nabanggit din ng grupo ang kanilang pagtutol sa political dynasty na hindi nabibigyan ng pagkakataon ang mga nararapat na magsilbi nang tapat sa bayan dahil sa kapangyarihan ng iilan na sila sila na lamang ang nauupo tuwing halalan. (DANNY BACOLOD)

93

Related posts

Leave a Comment