MALAKI ang posibilidad na ituloy ang 2021 PBA Philippine Cup sa Pampanga.
Pansamantalang itinigil ang Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig simula noong Agosto 3 dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Sinundan ito ng pagsailalim sa National Capital Region (NCR) sa enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.
Matatandaan na isinagawa rin sa Pampanga ang 2020 PBA season sa full bubble set-up.
Ngunit sa pagkakataong ito, planong gawin ang games sa probinsiya hanggang sa tuluyang lumuwag ang health restrictions sa NCR.
Iginiit ng PBA na wala sa plano ng nito ang full-blown bubble gaya noong nakaraang taon.
“Our code of conduct will be: Venue or practice venue to hotel, similar to what we did here in NCR,” sabi ni PBA Deputy commissioner Eric Castro. “But we will try to implement strict protocols to achieve a ‘full bubble-like’ environment.”
Inamin ni Castro na backup plan lang nila ang Pampanga.
“Batangas was the first option. But the Inter-Agency Task Force allowed us to look for an area under GCQ or MGCQ. So with Batangas being under a heightened restriction, we were diverted to Pampanga, which is under modified GCQ,” paliwanag niya.
177 