PBA, IBA PANG SPORTS KANSEL

Ni VT ROMANO

IPINAGPALIBAN ang PBA Commissioner’s Cup games kahapon (Linggo) sanhi ng super typhoon Karding.

Nakaiskedyul ang mga laro sa Mall of Asia Arena sa pagitan ng Meralco at NLEX, at ang Converge kontra Barangay Ginebra.

Ayon sa PBA, ang mga laro ay ire-reschedule sa ibang petsa.

Maging ang Leg 3 ng PBA 3×3 Season 2 para sa Setyembre 26-27 sa Robinsons Antipolo ay ipinagpaliban din.

Ang bagyong ‘Karding’ (international name Noru) ay naging super typhoon status bandang alas-singko ng umaga sanhi ng lakas nito, ayon sa PAGASA.

Nakansela rin ang Shakey’s Super League (SSL) at NCAA games nitong Linggo.

Nagsimula ang Super League Collegiate Conference nitong Sabado sa Rizal Memorial Coliseum, kung saan ang final match sa pagitan ng University of Santo Tomas at Adamson ay halos inabutan na ng kinaumagahan ng Linggo.

Ang mga larong nakatakda nitong linggo ay minabuting kanselahin na lamang ng organizers.

“The organizers decided to cancel today’s games, Sep. 25, Linggo at Rizal Memorial Coliseum dahil sa super typhoon Karding,” pahayag ng SSL.

Ang mga tiket para sa Setyembre 25 game ay maaaring magamit sa bagong iskedyul ng laro, magkakaroon din ng pagbabago sa mga laro para sa Oktubre 1 at 2.

Inihayag din ng NCAA ­management committee ang pagkansela sa Sunday games sa pagitan ng College of St. Benilde at Jose rizal University at San Beda University kontra Perpetual Help at itatakda na lamang sa ibang araw.

211

Related posts

Leave a Comment