NAKATUTOK at panay ang report ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan hinggil sa bagyong “Egay” kay Pangulong Marcos kahit nasa Malaysia ito para sa state visit.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, binigyan ng instruction ng Pangulo ang mga ahensya na kasama sa disaster response tulad ng DSWD, DOH, DPWH, DTI, DA at DILG na ibigay kung anoman ang kailangan ng mga LGU na tinamaan ng bagyo.
“On our part sa Congress, kinausap ko na ang DSWD at DOLE na mag-ready ng pondo para sa mga nasira ang tirahan at nawalan ng hanapbuhay dahil sa bagyo,” ayon kay Speaker Romualdez.
Nasa 3-day state visit ang Pangulo sa Malaysia para sa pagpapalakas pa ng economic at bilateral relations ng dalawang bansa.
“Even before he left, the President made sure na ready ang lahat ng agency ng gobyerno to respond,” ani Romualdez.
Nakausap na rin ng lider ng Kamara si Appropriations Chairman Cong. Zaldy Co para maghanap ng pondo sakaling magkulang ang executive department.
