PBBM PIRMADO NA BATAS PARA MAKAPILI DEPED NG TEACHING METHODS

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na magbibigay sa Department of Education (DepEd) ng mas malawak na kalayaan sa pagtukoy ng pinakaepektibong teaching methods para sa basic education curriculum ng bansa.

Nilagdaan ng Pangulo noong Agosto 2 ang Republic Act (RA) No. 12322 na nagsusog sa Republic Act No. 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013.

Sa ilalim ng bagong batas, papayagan ang DepEd na magpatupad ng mga pedagogical approaches na itinuturing nitong pinakaepektibo upang matiyak ang mastery of knowledge and skills ng mga mag-aaral.

“The curriculum shall employ the approach deemed most effective by the DepEd to ensure mastery of knowledge and skills after each level,” nakasaad sa Seksyon 1 ng batas.

Inalis ng amyenda ang dating probisyon na nagtatakda ng mga partikular na pamantayan at prinsipyo sa curriculum development, na nagbibigay sa DepEd ng higit na kakayahang umangkop sa nagbabagong pangangailangan sa edukasyon at sa pagpapatupad ng evidence-based teaching practices.

Inaatasan din ng RA No. 12322 ang DepEd na magsagawa ng komprehensibong pagsusuri sa basic education curriculum kada limang taon upang matiyak na mananatili itong relevant, responsive at epektibo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Magkakabisa ang batas 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagang may general circulation.

(CHRISTIAN DALE)

33

Related posts

Leave a Comment