PBBM, ZELENSKYY PINAGTIBAY PH–UKRAINE TIES

PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “mainit na ugnayan” ng Pilipinas at Ukraine matapos makausap sa telepono si President Volodymyr Zelenskyy nitong Huwebes.

Sa kanilang pag-uusap, tinalakay ang posibleng pagtutulungan sa food security, agriculture at digitalization — bilang bahagi ng pagpapalakas ng partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

“I spoke with President Volodymyr Zelenskyy today to reaffirm our warm relations and discuss areas where our countries can work together,” ayon kay Marcos sa isang kalatas.

Dagdag pa ng Pangulo, pinag-usapan din nila kung paano mapalalawak ang ugnayan ng ASEAN at Ukraine, lalo na’t Pilipinas ang magiging chair ng ASEAN next year.

“As the Philippines assumes the Chairship of ASEAN, we also discussed ways to strengthen ASEAN–Ukraine engagement for the benefit of our peoples,” sabi ni Marcos.

Matatandaang bumisita si Zelenskyy sa Malacañang noong 2024 at inanunsyo ang pagbubukas ng Ukrainian Embassy sa Manila. Nagsimula ang diplomatic ties ng dalawang bansa noong 1992.

(CHRISTIAN DALE)

45

Related posts

Leave a Comment