PCG MEMBER SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

SUGATAN ang motorcycle rider na isang 30-anyos na miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG), makaraang bumangga sa dalawang sasakyan sa northbound lane ng Roxas Boulevard malapit sa panulukan ng United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang sugatan na si Jhon Mark OrdoΓ±es, may asawa, nakatalaga sa Coastguard Education Training and Doctrine Command, at residente ng DasmariΓ±as, Cavite.

Ayon sa ulat ni Police Executive Master Sergeant Jun-Jun Jasminez, OIC ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS), na pinangangasiwaan ni Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-11:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa naturang lugar.

Nabatid sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Jeffrey Matados, may hawak ng kaso, lulan ng motorsiklo si OrdoΓ±es nang bumangga ito sa isang Toyota Innova at pagkaraan ay bumangga uli sa isang Mitsubishi Xpander na nagresulta sa pagliyab ng motorsiklo.

Mabilis na isinugod si OrdoΓ±es sa Manila Doctors Hospital para malapatan ng lunas.

(RENE CRISOSTOMO)

319

Related posts

Leave a Comment