PCUP, NYC SANIB-PWERSA PARA SA KABATAANG MARALITA

NASA larawan (Mula kaliwa pakanan) sina PCUP Commissioner Atty. Emmanuel E. Gison, PCUP Commissioner Atty. Bret Monsanto, PCUP Chairperson & CEO, Usec. Michelle Anne B. Gonzales, NYC Chairman & CEO, Usec. Joseph Francisco Ortega, NYC Commissioner-at-Large, Asec. Michelle Mae B. Gonzales, at NYC Commissioner-at-Large, Asec. Gervy James Gumarit, sa ginanap na Memorandum of Agreement ceremony sa West Avenue Suites, Quezon City.

LUMAGDA sa isang makasaysayang kasunduan ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at National Youth Commission (NYC) noong Miyerkoles, 1 Oktubre 2025, sa West Avenue Suites, Quezon City. Layunin ng Memorandum of Agreement (MOA) na palakasin ang suporta at oportunidad para sa kabataang maralita sa bansa.

Sa kanyang pambungad na mensahe, iginiit ni NYC Undersecretary Joseph Francisco Ortega ang kahalagahan ng mas matibay na programa para sa mga kabataang nasa maralitang sektor, at ang pagbibigay sa kanila ng mas malinaw na landas upang makabahagi sa paghubog ng bansa.

Kasunod nito, nagbigay naman ng pahayag si PCUP Chairperson at CEO, Undersecretary Michelle Anne B. Gonzales, kung saan tinalakay niya ang ALPAS Komunidad Flagship Project—ang Community Development at Social Protection initiative na naglalayon na mapabuti ang buhay ng mga maralitang tagalungsod, partikular na sa sektor ng Kabataan, sa pamamagitan ng whole-of-nation approach.

“This occasion is very meaningful to me, not only because NYC is really close to my heart, but [also] because I am a mother. I really see the vulnerability of the youth today. Iba kasi ang panahon namin, sa panahon ngayon, especially the youth na kasama sa sektor ng urban poor na napaka-vulnerable” pahayag ni Chair Gonzales.

Ang kasunduang ito ay patunay ng iisang layunin ng PCUP at NYC na bigyang-lakas ang kabataang maralita sa pamamagitan ng mga programang magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kanilang pag-unlad.

12

Related posts

Leave a Comment