KAILANGAN pang mapaunlad ang health care services ng bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees na idinaos sa Rizal Hall, Malakanyang kamakalawa ng gabi dahil naobserbasyon umano at nakikita niya sa iba’t ibang mga pagamutan ng gobyerno na kaawa-awa ang kalagayan ng mga pasyente.
Kaya ang hamon ng Chief Executive sa mga kinauukulan ay bumisita sa mga ospital ng pamahalaan at masaksihan ang kalagayan ng mga pasyenteng sa sahig lang naghihintay dahil na rin sa hindi maayos na imprastraktura.
Ang direktiba ng Pangulo ay atupagin din ang pagsasaayos ng mga pampublikong ospital dahil sadyang nangangailangan ang mga ito ng improvement.
Utos ng Pangulo, unahin o iprayoridad ang naturang kautusan para maipaabot ang maganda at de kalidad na health care service sa taumbayan. CHRISTIAN DALE
