PDU30 BINATI ANG MGA PINOY NGAYONG EASTER SUNDAY

MAINIT na binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lahat ng Kristiyanong Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo na nagdiriwang ngayon ng Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

Ngayon aniya ay sama-sama ang lahat sa diwa ng tagumpay sa pamamagitan ng Pagkabuhay na mag-uli ng Poong Hesukristo.

Ani Pangulong Duterte, ang kaluwalhatian ng Linggo ng Pagkabuhay ay nagbigay ng mas malalim na mensahe ng pag-asa sa gitna ng pagdurusa at katiyakan na mapagtagumpayan ang kahirapan.

“As we collectively strive to overcome the challenges brought about by the COVID-19 pandemic. I trust that the promise of salvation will inspire us to look ahead for new beginnings and move forward with stronger faith and compassion for others,” ani Pangulong Duterte.

Umaasa naman ang Chief Executive na sa bawat sulok ng kristiyanismo ay magagabayan ang bawat isa habang isinusulong naman ang ibinahaging aspirasyon para sa “better and safer future for our people.” (CHRISTIAN DALE)

259

Related posts

Leave a Comment