KINUMPIRMA ng Malakanyang na na-expose si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang household staff na nagpositibo sa COVID-19 noong Enero 30.
Kaagad namang ginawan ng COVID-19 test ang Pangulo at nagnegatibo ito.
Sa kabila nito, naka-mandatory quarantine ang Pangulo ngunit patuloy na nagtatrabaho at tuloy ang komunikasyon sa mga miyembro ng gabinete.
Kahapon ay kinumpirma rin ng Malakanyang na bumisita si Pangulong Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan para sa kanyang routine medical check-up. (CHRISTIAN DALE)
