‘PEACEFUL, CREDIBLE’ 2025 POLLS PINATITIYAK SA AFP

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin ang ‘mapayapa, kapani-paniwala at maayos’ na midterm elections ngayong taon.

“Once again, we find ourselves at a critical juncture where we have to preserve not only the integrity of our election, but the very ethos of our democracy,” ang sinabi ni Pangulong Marcos matapos sang oath-taking ng mga newly-promoted AFP generals and flag officers at graduates ng Foreign Pre-Commission Training Institutions (FPCTI) sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

Nauna rito, nakiisa ang AFP sa solidarity pact signing para sa May 12 polls para pangalagaan ang integridad ng electoral process, tiyakin ang kaligtasan ng mga botante at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng eleksyon.

Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga newly-promoted AFP officials at FPCTI graduates na pumwesto sa unahan bilang forefront habang isinusulong ng pamahalaan ang “secure, prosperous, and thriving Bagong Pilipinas (New Philippines).”

Sinabi ng Chief Executive sa mga ito na manatiling “disciplined, patriotic, and ever-committed to the greater good for the greatest number.”

Sa kabilang dako, kabilang si Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Adm. Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta sa mga newly-promoted AFP general and flag officers na nanumpa sa tungkulin sa harap ni Pangulong Marcos. (CHRISTIAN DALE)

10

Related posts

Leave a Comment