WALANG sablay sa free throws ang Miami kontra Oklahoma City, Miyerkoles (Manila time).
Nagtala ang Heat ng NBA record para sa free throws made nang ilista ang kamangha-manghang 40-for-40 tungo sa 112-111 panalo.
Medyo dramatiko ang record-breaking feat nang magposte si Jimmy Butler ng and-1, 12.9 seconds sa laro at angat ng dalawa ang Thunder.
Matapos itabla ang iskor sa 111-111, nagsalaksak si Butler ng huling free throw para sa record. Habang nagmintis si Thunder star Shai Gilgeous-Alexander ng dapat sanang buzzer-beater.
Hawak ng Utah Jazz ang dating record na 39 free throws (without a miss) noong Disyembre 7, 1982 pero talo ang Jazz sa Portland Trail Blazers nang gabing iyon.
Karamihan ng free throws ng Heat galing kay Butler, may 23-of-23 sa line at kumolekta ng 35 puntos. Mayroon din siyang seven rebounds, four assists, four steals at three blocks at shooting na 6-of-17 sa field.
Ang iba pang kontribyutor ng bagong record ay sina: Gabe Vincent (6-of-6), Jamal Cain (2-of-2), Max Strus (2-of-2), Victor Oladipo (2-2) at Dewayne Dedmon (2-of-2). (VT ROMANO)
