PETECIO AT PAALAM BACK-TO-SCHOOL MUNA

MAKARAAN ang matagumpay na kampanya sa 2020+1Tokyo Olympics, back-to-school muna ang kapwa silver medallist boxers na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Kapwa naniniwala ang ­dalawa na marami pa silang dapat matutunan hindi lang bilang boksingero, kundi bilang estud-yante rin sa University of Baguio.

Sina Petecio at Paalam ay unang nag-training sa Philippine Sports Commission (PSC) sa Teacher’s Camp, bago tumulak sa Thailand kung saan nila tinapos ang paghahanda para sa Olympics.

Dahil sa silver medal finish ng dalawang boksingero sa Tokyo Games, binigyan sila ng dagdag na cash incentives na P400, 000 ng Baguio Council.

Ang nasabing insentibo ay nakapaloob sa inamyendahang Baguio Sports Code. (ANN ENCARNACION)

160

Related posts

Leave a Comment