PETISYON NI ATTY. RODRIGUEZ VS 2025 BUDGET SASALANG NA SA SC

ISASALANG na ng Korte Suprema sa Baguio Session Hall ang pagdinig sa isyu ng legalidad ng General Appropriations Act of Fiscal Year 2025 (GAA) o ang RA No. 12116.

Itinakda ang hearing sa Abril 1, 2025 bandang alas-2:00 ng hapon kung saan hahalukayin at sisilipin ang petisyon na inihain nina Atty. Victor D. Rodriguez at iba pa na naninindigan na ang GAA ay labag sa Konstitusyon dahil hindi ito naglaan ng mandatory funding para sa PhilHealth.

Labag din umano sa batas ang pagtaas ng mga appropriation nang higit pa sa rekomendasyon ng Pangulo at naglaan ito ng pinakamataas na budget sa imprastraktura imbes na sa edukasyon.

May mga blangko rin umano sa Bicameral Committee Report on the General Appropriations Bill. (JULIET PACOT)

20

Related posts

Leave a Comment