PETISYON SA DUTERTE CUSTODY PINAAAKSYUNAN SA SC

KINALAMPAG ni Senador Robin Padilla ang Supreme Court upang agarang aksyunan ang mga petisyong may kaugnayan sa custody ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kaso nito sa International Criminal Court (ICC).

Kasama ang grupong “Tay, Kami Naman Movement,” nagtungo si Padilla sa SC nitong Martes upang suportahan ang muling pagsusumite ng signature campaign ng mga tagasuporta ni Duterte.

Ayon sa senador, umaabot na sa 238,561 Pilipino ang lumagda sa petisyon na humihiling sa Korte Suprema na maglabas ng desisyon sa mga nakabinbing kaso hinggil sa pagbabalik ng dating pangulo.

Sinabi ni Padilla na nangangamba na ang maraming tagasuporta dahil isang taon nang nasa labas ng bansa si Duterte, kaya nais nilang malinawan kung legal o ilegal ang naging proseso ng pagdadala sa kanya sa ibang bansa.

Dagdag pa niya, marami nang petisyon ang naisumite sa SC kaya panahon na umano para magpasya ang mga mahistrado.

Binigyang-diin din ng senador na hindi nila kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC at naniniwalang sa Korte Suprema dapat dinidinig ang usapin.

“Kung anoman ang desisyon ng ICC, masakit sa amin iyon dahil may sarili tayong court na tumatakbo,” ani Padilla.

(JULIET PACOT)

35

Related posts

Leave a Comment