PETRON, F2 MAGKAKASUBUKAN

volley22

(NI JEAN MALANUM/PHOTO BY MJ ROMERO)

MGA LARO NGAYON:

(FILOIL FLYING V CENTRE)

4:15 PM — PLDT VS CIGNAL

7:00 PM — PETRON VS F2 LOGISTICS

MAGKAKASUBUKAN ang magkaribal na Petron at F2 Logistics sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Alas-7:00 ng gabi ang sagupaan ng Blaze Spikers at Cargo Movers, na mag-aagawan sa solo stop spot women’s club tourney.

Bago ang Petron-F2 clash, maghaharap naman sa alas-4:15 ng hapon ang PLDT Home Fibr at Cignal sa mga larong ipalalabas sa ESPN5 at Kapatid TV5.

Matapos magpalakas sa off-season kung saan nakuha ang serbisyo nina Fil-Am setter Alohi Robins-Hardy, May Luna at Norielle Ipac, gayundin ang pagbabalik ni Jovelyn Gonzaga, ang Cignal HD Spikers ay nagtala ng 25-27, 25-22, 25-10, 25-21 win laban sa Sta. Lucia nitong Martes.

Pero, ang lahat ng mata ay nakatuon sa Petron-F2 encounter.

Sa pangunguna ni Kalei Mau at Ara Galang sa attack zone, ang Cargo Movers ay sinimulan ang conference na may tatlong sunod na panalo, na nagpataas sa kanilang morale bago harapin ang Petron, na kamuntik nang madale ng Foton nito ring araw ng Martes, sa isang five-set win 22-25, 16-25, 25-16, 25-17, 15-10.

Si team captain Frances Molina ang umakay sa Blaze Spikers sa come-from-behind win sa kanyang 15 attacks, four aces at block para sa 20-point output, habang si Sisi Rondina ay nagsumite ng 14 markers (off the bench), at tulong buhat kina middle blocker Remy Palma at Mika Reyes, na may 14 hits at 12, ayon sa pagkakasunod.

328

Related posts

Leave a Comment