‘PGH’ SA BAWAT SUC CAMPUS, IPATATAYO NG SENADO

NAGHAIN ng isang panukalang batas si Senador Sonny Angara na magtatayo ng pampublikong ospital tulad ng Philippine General Hospital (PGH) sa bawat campus ng state universities and colleges (SUCs) upang matiyak ang sapat na pagamutan at mapalalakas ang healthcare system ng bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Angara na lumantad sa hindi inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ang reyalidad na hindi sapat ang hospital beds upang tugunan ang pasyente at kailangan ng mas maraming doktor at iba pang medical personnel upang gamutin sila.

Base sa huling pag-aaral na isinagawa ng University of the Philippines, mayroon ang Pilipinas ng pangkaraniwang 3.7 doktor sa bawat 10,000 mamamayan.

Mas mababa ito sa rekomendasyon ng World Health Organization na dapat mayroong 10 doktor kada 10,000 population at tanging National Capital region ang nakakamit sa ganitong ratio.

Para sa ibang rehiyon, umabot lamang sa 1.8 sa 10,000 ang ratio sa Region IV-B habang 0.8 naman sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ayon naman sa datos mula sa Health Human Resource Development Bureau ng Department of Health, mayroon tayong 860,000 medical professionals na nakarehistro sa ating bansa, ngunit umabot lamang sa 189,000 ang aktuwal na nagsisilbi sa pampubliko at pribadong institusyon.

Natuklasan din sa naturang UP study, kapos din ang bansa sa hospital bed sa bilang ng populasyon. Umabot lamang sa 6.1 beds sa bawat 10,000 Filipino. Pero, sa NCR lamang mayroong 13.5 ratio at isang hospital bed naman sa 10,000 populasyon sa Region IV-B.

“The reality that six out of 10 Filipinos die without seeing a medical professional is very alarming. After seeing the data, it explains why our healthcare system was overwhelmed when we were hit by the COVID-19 pandemic,” ayon kay Angara.

“We need to strengthen our healthcare system and two of the initial steps that we can take is to produce more doctors and nurses and to increase the number of hospitals that will serve our people,” dagdag niya.

Dahil dito, inihain ni Angara ang Senate Bill 1850 o ang Healthcare Facility Augmentation Act, na may layunin na magtayo ng isang 50 bed hospital sa bawat SUC na may kursong medical degree.

“Apart from increasing our hospital bed capacity, the construction of these SUC hospitals will also serve as the training ground for the medical students of the SUCs just like what UP-PGH has long been doing. Hindi na sila kailangan pa lumayo sa sarili nilang bakod para makakuha ng experience na kailangan para maging doktor at nars,” ayon kay Angara. (ESTONG REYES)

143

Related posts

Leave a Comment