PH LAWMAKERS, LAWBREAKERS – CALLEJA

TINAWAG ng isang law professor na lawbreakers ang mga senador sa gitna ng mabagal na pag-usad ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

“Our senators — lawmakers are lawbreakers!” ani Atty. Howard Calleja.

Partikular na pinatutsadahan nito si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa lantaran umanong paglabag sa saligang batas at ang mismong sariling Senate impeachment rules na nagresulta ng pagkaantala at paghinto ng paglilitis ukol sa inihaing reklamo laban kay Duterte.

“These senators are supposed only to listen to the evidence and decide to convict or acquit, not to make motions which Escudero allowed. That is their only mandate. But they acted instead like the lawyers of Sara which is like a regional trial court judge behaving like the lawyer of the accused,” ani Calleja.

Naniniwala si Calleja na ang naging desisyon ng 18 senator-judges na ibalik sa mababang kapulungan ng Kongreso ang impeachment complaint ay patunay na ayaw ng mga ito na magkaroon ng paglilitis upang maitago sa publiko ang katotohanan at ebidensya laban kay Duterte.

Binigyang-diin ni Calleja na ngayong mayroon nang 18 boto ng senator-judges si Duterte ay wala na siyang nakikitang dahilan pa upang matakot ang kampo nito na umusad ang paglilitis.

“Talo na ang taong bayan sa dami nila. All they need is 9 votes to acquit. So ituloy na ang trial. Unless they know that the case is so strong the public might wake up and take to the streets and mount another people power,” dagdag ni Calleja.

Tinukoy ni Calleja ang talamak na korupsyon o pagnanakaw sa kaban ng bayan ang pangunahing usapin ng impeachment kung saan ang mga taong pinagkatiwalaan ng taumbayan na mag-iingat at magbibigay proteksyon sa kaban ng bayan ay siya ring nagbibigay ng proteksyon laban sa akusado.

“When people in power mock our laws and the constitution for unpatriotic and personal goals, our democracy, our republic face an existential threat. It is time for the people to wake up once more,” giit ni Calleja.

Ipinunto ni Calleja na nagsimula ang paglabag sa konstitusyon ng impeachment court noong Pebrero 5 nang isumite ng Kamara sa Senado ang impeachment complaint ngunit hindi agad binigyang-pansin ng huli.

Binigyang-linaw ni Calleja na imbes na sundin ang itinatadhana ng batas na “forthwith” o agaran ay mas pinili pa ni Escudero na i-adjourned ang Senado sa kabila na dapat ay Pebrero 7 pa.

Mahigit apat na buwan na aniyang iba’t iba at napakaraming dahilan o palusot ang ibinibigay ni Escudero kung bakit nauudlot ang paglilitis.

29

Related posts

Leave a Comment