ALERT LEVELS SA ISRAEL, IRAN POSIBLENG ITAAS NA

KINOKONSIDERA ng gobyerno ng Pilipinas na itaas ang alert levels sa Israel at Iran habang nagpapatuloy ang pag-atake sa pagitan ng dalawang bansa.

“We are considering the same, but in fact, we are already acting as if both countries were on Alert Level 3 or voluntary repatriation,” ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa isang panayam.

Tinitingnan din aniya ng gobyerno ang sitwasyon sa mga apektadong lugar at ang kaligtasan ng mga Pilipino bago pa itaas ang alert level.

Ang Israel ay kasalukuyan nasa Alert Level 2 o restriction, na ipinalalabas kung mayroong ‘real threats’ sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pilipino na nagbuhat mula sa ‘internal disturbance, instability, o external threat.’

Samantala, ang Iran ay nasa ilalim ng Alert Level 1 o precautionary, na ipinalalabas kapag mayroong ‘valid signs’ ng ‘internal disturbance, instability, at/o external threat’ sa host country.

Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nais nang makauwi ng Pilipinas sa gitna ng nararanasang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran.

(CHRISTIAN DALE)

29

Related posts

Leave a Comment