PHILANTHROPIST NAMAHAGI NG BIGAS AT FERTILIZERS SA 2K PAMILYA

NAMAHAGI si businesswoman-philanthropist Virginia Rodriguez ng mga kalidad na bigas at fertilizers sa daan-daang magbubukid at pamilya na nakatira sa Brgy. Dapdap, Tagaytay City, upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay.

Si Rodriguez, nominado ng ATeacher party-list, ay namamahagi ng tulong para sa mga kapos nating kababayan at nais niyang ipagpatuloy ang adbokasiyang ito upang maiangat ang buhay ng mahihirap na Pilipino. Dahil sa kanyang adhikain na makatulong, pinalawak pa ni Rodriguez ang kanyang mga programa sa buong Metro Manila at sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa dinaluhan nitong okasyon kung saan siya ay namahagi ng mga bigas at fertilizers sa mahihirap na magbubukid, nakipag-ugnayan na rin si Rodriguez sa local officials ng Cavite, Batangas at Metro Manila para makapagsagawa ng mga programang pangkabuhayan.

Nakipagpulong si Rodriguez kina Bgy. Captain Freddie L. Bon and counsels, Edicel B. Bayot, Mark Anthony P. Rogacion, Roderick T. Ramos, Eufrocina C. Barquilla, Ramon L. Pineda, Bernard V. Terrible, Jonathan M. Payad at Sangguniang Kabataan Chairman Kim Andrey R. Payad, kasama nito si Lito L. Terrible-Administrator, at ang buong SK counsels na sina Mar Andrew Espina, Jacqueline Bon, Maidel Rogacion, John Neil Capili, Ian Bote, Kenneth Collantes and Arabella Grace Vibar.

Binigyang diin ni Rodriguez na ang mga barangay leader ay “training ground” para maging tunay at matalinong liderato ng mamamayan at sumali sa pang-national governance.

Si Rodriguez ang may akda ng librong “Leave Nobody Hungry”, na nakilala bilang advocacy leader sa agrikultura at agri-entrepreneurship, na may hangaring gawing moderno ang agricultural farming sa bansa.

Pinaliwanag din nito na walang halong pulitika ang kanyang pagtulong kundi para bigyan ng magandang buhay ang mga magsasakang Pilipino. Ipinangako rin ni Rodriguez na makikipagtulungan siya sa national government para sa pagpapatupad ng infrastructure, healthcare, at education.

112

Related posts

Leave a Comment