Ni FRANCIS SORIANO
NABABAHALA ngayon ang World Wildlife Fund (WWF) for Nature Philippines sa patuloy na pagdami at pagtatapon ng basura sa karagatan at iba pang bahagi ng anyong-tubig na sanhi ng pagkamatay ng mga isda at balyena kamakailan.
Ayon kay Dan Faustin Ramirez, Communication and Media unit head ng WWF Philippines, na ang single-use plastic na itinapon ay daang taon pa ang itatagal bago magkahiwa-hiwalay na nagiging sanhi ng plastic pollution at isang major threat sa biodiversity.
Kamakailan ay nadiskubre sa Compostella Valley ang higit 40-kilong plastic na nalunok ng natagpuang patay na balyena sa dalampasigan nito.
Lumabas din sa pag-aaral na nilabas ng University of San Carlos, na may micro plastic na rin umano ang ating mga danggit at rock salt.
Nasa ikatlong bansa rin ang Pilipinas sa buong mundo na pinanggagalingan ng mga basurang plastic sa dagat, ayon pa sa report.
951