Ni Ann Esternon
Ayon sa pag-aaral, kapag nakararanas ng irritation sa mata at sa paghinga dala ng chemicals at photocopiers, ang tawag dito ay “sick building syndrome”.
Ang ozone na napo-produce ng photocopiers ay maaaring makaapekto sa iba pang compounds para mag-produce ng mas mabahong amoy at eye and breathing problems.
May makukuhang volatile organic compounds sa maraming substances tulad ng perfumes, carpets, at hininga ng tao.
Sa normal atmospheres hindi nakadudulot ito ng sakit dahil nasa mababang lebel lang ito. Pero kung nahahalo ito sa ozone, nagkakaroon ng irritations na konektado sa “sick building syndrome”.
May pag-aaral na isinagawa sa dagang in-expose sa isang mixture ng compounds at ozone. Matapos ang kalahating oras, bumaba ng 30% ang paghinga ng mga daga, ibig sabihin may airway irritation.
Tandaan na ang mga daga ay less sensitive sa air pollutants kumpara sa tao.
Sa pagbago ng paghinga ng mga daga, in-adjust sa tao, ay magsasabing konektado ito sa “sick building syndrome”.
Nang malanghap ng mga daga ang compounds at ozone na magkahiwalay, nagkaroon ng kaunting epekto sa kanilang kalusugan.
Paliwanag ng pag-aaral, “the mixture of ozone and compounds may produce radicals which live for such a short time that they have escaped detection up until now.”
Maiksing paliwanag ang sanhi ng “sick building syndrome”. Daang compounds ang magre-react sa ozone at isang paraan para maresolba ang problema at dapat magkaroon ng ozone emission levels mula sa photocopiers.
Sinabi rin sa pag-aaral na ang tobacco smoke ay isa lamang sa uri ng compound na pwedeng mag react sa ozone.
