PIGGERY CARETAKER, NANGISAY SA LIVE WIRE

CAVITE – Nangisay hanggang sa bawian ng buhay ang isang 40-anyos na caretaker ng piggery farm nang mahawakan ang live wire habang inaayos ang extension wire sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang si Rene Caballes, ng Magallanes, Cavite, caretaker sa isang pigerry farm na pag-aari ng isang Engr. Laba sa Brgy. Medina 1, Magallanes, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Mar Jay Bencito ng Magallanes Municipal Police Station, dakong alas-11:30 ng umaga noong Biyernes nang mangyari ang insidente sa loob ng farm ng nasabing engineer.

Habang inaayos ng biktima ang extension wire nang mahawakan nito ang live wire kaya nakuryente na nagresulta sa kanyang pagkamatay. (SIGFRED ADSUARA)

126

Related posts

Leave a Comment