PILOT TESTING NG NAT’L ID SA SUSUNOD NA LINGGO NA

id12

(NI DAHLIA S. ANIN)

MAGSISIMULA na sa susunod na Linggo ang pilot testing ng National Identification System.

Nasa 10,000 lang muna ang mairerehistro sa pagsisimula ng proyektong ito.

Magsisimula na sa Setyembre 2 hanggang Disyembre ngayong taon ang pilot testing upang makita kung magkakaroon pa ng aberya o problema kung sakaling tuluyan na itong ipatupad sa mga susunod na taon, ayon kay National Economic Development Authority (NEDA) Chief and Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.

Kung wala umanong magiging problema ay agad na aasikasuhin ang pagparehistro sa mahigit 50 milyon mamamayan sa bansa sa susunod na taon.

“Next year we will be ramping up as soon as the pilot test will show that we are implementing the National ID in the right way,” dagdag pa ni Pernia.

Agosto 6, noong nakaraang taon nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11055 o Philippine Idenfication System (PhilSys Act) na ginawa upang mapagisa na lamang ang lahat ng government ID sa pamamagitan ng isang national ID system.

Nilalaman ng Phil-Id ang PhilSys number ng may ari ng ID, buong pangalan, facial image, sex, date of birth, blood type at address.

Naglalaman din ito ng full set ng fingerprints at iris scan ng may ari.

401

Related posts

Leave a Comment