SA hangaring makasabay sa ibang bansa sa larangan ng kalakalan, muling binuksan ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang linya ng komunikasyon para sa palitan ng kaalaman, puna at
suhestiyon sa mga kinatawan ng import-export sector.
Sa isinagawang virtual conference kasama ang Export Development Council-Networking Committee on Trade Policies and Procedures Simplification (EDC-NCTPPS) kamakailan, nilinaw ng BOC ang mga pinaiiral ng polisiya, kasabay ng panawagan ng pakikiisa ng mga importer, exporter, customs brokers, mga tanggapan ng pamahalaan at iba pang stakeholders na pasok sa kalakalan.
Sa nasabing virtual forum, binuksan ng kawanihan ang pagtitipon para sa puna at suhestiyon para anila lalo pang palakasin ang kakayahan ng bansang makipagsabayan sa larangan ng exportation ng mga local products sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Anila, hangad nila ang realignment ng mga polisiya at mas simpleng prosesong magbibigay ng mataas na antas ng export competitiveness.
Tinalakay rin sa nasabing virtual forum ang Customs Administrative Order 1-2020 na nagtatakda ng multa at surcharges ng mga mga tinatawag na clerical errors, misdeclaration, misclassification at undervaluation.
Pasok din sa paksa ang CMO 12-2021 na bumabagtas sa mga panuntunan sa pagpapataw ng multang kaugnay sa Customs Accreditation ng mga importer at broker. Inilatag din ng kawanihan ang AOCG Memorandum No. 293-2021 kaugnay ng “E-TRACC Implementation to Remaining Economic Zones and Free Zones”, Customer Care Portal System, at mga kailangan sa pagkuha ng Certificate of Origin, at iba pa.
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon Anti-Red Tape Authority (ARTA), Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at Philippine Exporters Confederation, Inc. (PECI) Sa isang pahayag, tiniyak naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mananatiling bukas ang kanilang tanggapan para sa palitan ng kaalamang makapagbibigay ng angkop na istratehiya sa
ikabubuti ng kalakalan sa bansa.(BOY ANACTA)
162 