PINAS IGIGIIT ANG 2016 ARBITRATION RULING VS CHINA

HINDI papayagan ng Pilipinas na patuloy na tanggihan ng China ang apela nito na sumunod ang huli sa 2016 arbitration ruling na nag-invalidate sa 9-dash claim ng Beijing sa South China Sea.

Ipinaalala kasi ng China kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na meron itong binuong concensus kasama ang China kaugnay sa tamang paraan ng paghawak sa arbitration case upang maisaayos ang nalamatan na relasyon ng dalawang bansa.

“We will agree to disagree and we will proceed with our friendly relations and yung mga bagay na pwede isulong, isusulong. Yung mga hindi pa pwedeng maresolba ngayon, isasantabi,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“We will proceed with our bilateral relations because the arbitral award is not the sum total of our relations with China,” dagdag na pahayag nito.

Sa isang pahayag ay sinabi ng Chinese embassy sa Manila na hindi tinatanggap o hindi lalahok ang China sa arbitration at hindi rin nito kinikilala ang award na napanalunan ng Pilipinas noong July 12, 2016.

Kamakailan ay nagprotesta si Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. laban sa China dahil sa pagiging agresibo nito sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Dahil dito ay iginiit ng China na ang territorial sovereignty at maritime rights at interests nito sa South China Sea ay hindi apektado ng nasabing award.

Sinabi ng China na imbes na isulong ang compliance sa ruling ay umaasa ito sa pag-preserve ng Pilipinas sa “hard- won sound momentum bilateral relations” ng dalawang bansa.

Samantala, sinabi naman ng Estados Unidos na itinuturing na ilegal ang ginagawa ng Beijing sa paghabol sa mga resources sa South China Sea.

Lumakas naman ang suporta nito para sa Southeast Asian nations.
Para sa China, ang sinabi ng Amerika ay “unjustified’ at “a bid to sabotage regional peace.”

“The great powers, as they escalate their rivalry, will woo us to their side. We will be sure that we will advance our national interest. Meanwhile, we want all parties involved to abide by the rule of law, particularly with the United Nations Convention on the Law of the Sea,” ayon kay Sec. Roque.

“Ang importante po ngayon, atupagin natin yung pagbubuo at pagpapatupad ng Code of Conduct nang maiwasan ang tension sa lugar na ‘yan,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

 

89

Related posts

Leave a Comment