TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ang bansa ng COVID 19 vaccine kapag naging available na ito.
Ayaw kasing umasa ng Malakanyang sa 2021 proposed national budget sa harap ng pagnanais nitong agad na makakuha ng COVID 19 vaccine.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ayaw nilang dumepende sa national budget kung pag-uusapan ang pagbili ng bakuna sa corona virus.
Sa katunayan, nakalatag na ani Sec. Roque ang mga kakailanganing hakbang kasama na ang resources o paghuhugutan ng pambili ng vaccine sa sandaling maging available na ito o may bansang magbenta na ng bakuna sa virus.
Nandiyan aniya ang Development Bank of the Philippines o DBP at Landbank of the Philippines na magpopondo sa pag-angkat ng bakuna sa pamamagitan ng loan.
Bukod pa sa may sources of information umano ang Pangulong Duterte na malapit nang magkaroon ng COVID vaccine at hindi magtatagal ay may bakuna nang magagamit para sa mga Filipino. (CHRISTIAN DALE)
149
