TUTUTUKAN ng Pinoy Ako Party-list ang kapakanan ng mamamayan at isusulong ang pantay na proteksyon sa batas.
Sa paglulunsad ng kampanya sa Binangonan, Rizal, tiniyak ni Pinoy Ako Party-list nominee Danny Castillo sa mamamayan na tututukan nito ang hanapbuhay, edukasyon, kalusugan, at maayos na serbisyo ng gobyerno.
Nanawagan din ang Pinoy Ako Party-list ng pagkakaisa tungo sa mas magandang kinabukasan.
Nagpahayag ng pagkabahala ang Pinoy Ako party-list dahil mistulang naisasantabi ang interes ng mamamayan dahil sa problemang pulitikal o pagkakahati-hati ng iba’t ibang grupo.
Paalala ng “Pinoy Ako” sa mga botante, maging mapanuri at maging matalino sa pagpili ng ibobotong mga kandidato. Hindi rin dapat basta-basta maniwala sa kanilang mga pangako at sa halip dapat maging mapagbantay sa mga insidente ng korapsyon at tiyakin na ang ihahalal nilang lider ay tunay na aaksyon.
Siniguro rin ng Pinoy Ako na isusulong nito at tututukan ang kapakanan at karapatan ng Indigenous people.
