Pinoy inip na sa P20/K bigas ADMIN NI BBM INUUNA LOGO KAYSA EKONOMIYA

MARAMING netizens ang naniniwalang malayo pang matupad ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong panahon ng kampanya na gagawing P20 ang kada kilo ng bigas.

Patutsada pa nila, imposibleng matupad ang pangako ng Pangulo lalo pa’t mas pinagtutuunan ng pansin ng kanyang administrasyon ang paglalabas ng mga bagong logo sa halip tutukan ang ekonomiya.

Aminado naman si Marcos Jr., na siya ring namumuno sa Department of Agriculture, na malayo pa siya sa pagtupad sa kanyang pangako.

“Iyong ating hangarin na 20 pesos na bigas [kada kilo] eh wala pa tayo roon, pero ginagawa natin ang lahat,” bahagi ng pananalita ni Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa pamamahagi ng iba’t ibang government assistance at nationwide na paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo program sa Pampanga nitong Lunes.

Sa nasabing aktibidad ay nagbigay rin ng suporta ang Pangulo sa mga estudyante, micro and small entrepreneurs, at local farmers associations.

Ngayong nakaisang taon na ang administrasyong Marcos, tila naiinip na ang mamamayan kung kailan mangyayari ang P20 kada kilo ng bigas.

Tila pinanghihinaan na rin ng loob ang iba na nagsabing baka matapos na ang termino ni Marcos ay hindi pa rin nangyayari ang kanyang pangako lalo pa’t hindi naman umano niya ito tinatrabaho.

Basahin ang mga reaksyon sa Twitter kaugnay ng nasabing usapin:

Azarcazm:
Alam namin wala pa, pero di namin alam ano ginagawa. Huwag mo kami paikutin.

Harper:
Style ni Junior tahimik at magpanggap na mabait pero sa mga aksyon niya kitang kita ginagago niya ang taumbayan.

Icko:
‘Wag kasing mangako na hindi kaya. Charotera ka

DayunyorLBM:
May naniniwala pa ba dito kay budol king?

©️ommando:
Matatapos ang terms mo di mangyayari yan para ka lang si Dutae na 6 months kuno

dondonLee:
Give it 6 years. Just like the promise of the previous administration on drugs and traffic

DaDi LoRd:
Yan Ang mhirap pagka walang matinong pinag aralan. Hindi nkakaintindi Ng ECONOMICS..kung ano lang Ang idikta Ng asawa at mga advisers, Yun lang Ang alam gawin

Joy:
Priority kc ang mga logo kesa sa ekonomiya

glzttjy:
Yung pinamigay sa teacher pwede sa 20/kilo

CrunchyLechonBelly:
gagawin Ang lahat ? tulad Ng ano po?

nanerivera:
Hanggang tumatagal lalong hindi na magiging 20 pesos dahil sa inflation. Alam ba niya yon?

lionheart_1:
Di ba ganyan talaga pamilya nyo . Recall d tym wen Imelda promised lots for the poor para lang manalo tatay mo sa snap election . Daming nabudol.

DhonnaVillaluz:
Tapos na ang termino mo malabong mangyari yan sa tubig ng pusit,,ang nangyayari nga tumataas ang kilo eh ndi bumababa,,s mahal ng abono ngeun panu mangyayari un

Prinsipeng Okray:
Magtrabaho ka kasi para bumaba.

399

Related posts

Leave a Comment