PINOY SA HONG KONG PINAG-IINGAT

hongkong12

(NI DAVE MEDINA)

PINAG-IINGAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Hong Kong sa gitna ng malawakang protestang nagaganap doon.

Sa kanilang press statement, hinihimok ng DFA ang mga Pinoy na magkaroon ng ibayong pag-iingat at pagiging alisto.

Ayon kay Consul General to Hong Kong Antonio Morales,  patuloy ang monitoring nila sa sitwasyon at magbibigay sila ng kaukulang tulong at abiso sa mga Filipino community doon na hindi nalalayong maapektuhan.

Kasunod nito ang paghikayat ng Philippine Consulate General sa Hong Kong sa mga Filipino na umiwas sa mga lugar na madalas na ginagawa ang mga rally.

Parati umanong ang mga demonstration areas ay naka-concentrate sa labas ng central offices ng gobyerno lalo na sa Legislative Complex, Admiralty at Tamar Park.

Ang mga protesta sa Hong Kong ay dahil sa kontrobersyal na panukalang batas na magbibigay-daan ng extradition sa mainland China.

Pinayuhan din ng Consulate General ang publiko na i-konsiderang ire-schedule ang kanilang transakyon sa Konsulada maliban kung may apurahang pangangailangan dahil ang lokasyon ng Tanggapan ay malapit sa lugar ng mga rally.

Nakasaad sa pahayag na ang Filipino community sa Hong Kong ay dapat na updated sa security situation sa pamamagitan ng media reports.

“The Philippine Consulate General in Hong Kong released an advisory, asking Filipinos there to keep away from demonstration areas which are generally concentrated outside the government central offices, particularly the Legislative Complex, in Admiralty and in Tamar Park,” anang statement.

165

Related posts

Leave a Comment