INUTUSAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Navy na burahin ang mga pirata sa Sulu Sea at Celebes Sea upang mabawasan ang problema sa lugar.
Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng Bonifacio Day sa Caloocan City, sinabi ni Duterte nagpapatuloy ang paglalayag at pagbibigay ng problema ng mga pirata sa international waters at wala man lang nagpahinto sa mga ito.
“But if you commit piracy or piracy if you may, then that gives any nation the right to blow you—to blow you to the high heavens. And we are beset with piracy in the Celebes, Sulu Sea, and the Indonesian waters,” sabi ng Pangulo. “And my orders to the Navy, I repeat, my orders to the Navy, is that if they are positive that they are pirates, you blow them to kingdom come. Patayin mo na lahat at matapos na ang problema ko at ng Pilipino,” dagdag pa ni Duterte.
Nakipag-usap na din ang Pangulo kay Indonesian President Joko Widodo at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad hinggil sa problema sa pirata sa mga karagatan sa paligid ng kanilang bansa.
Hiniling din ng Pangulo sa mga lider ng dalawang bansa na panahon na sa pagbuo ng task force para bantayan ang kani-kanilang teritoryo.
Noong 2017, magkatuwang ang Pilipinas at Indonesia sa pagpapatrol sa Celebes Sea upang mapigil ang Islamist militants na makarating sa Mindanao.
Nilalayon ng joint patrol na mapatatag ang border security at mapaunlad pa ang ‘interoperability’.
