PISO SASADSAD SA 57 KADA DOLYAR

INAASAHAN ng interagency Development Budget Coordination Committee (DBCC) na ang piso ay maipapalit sa pagitan ng 54 at 57 laban sa US dollar ngayong taon.

Nauna rito, binago ng economic managers ng administrasyon ang ilan sa kanilang macroeconomic assumptions, pinakitid ang saklaw para sa piso at inflation.

“With the lower end of this range weaker than the 53-to-the-dollar foreign exchange assumption of the DBCC during its April review,” ayon sa ulat.

Hindi naman maipaliwanag ng economic team kung bakit pinalitan nito ang forex forecast, subalit sinabi ni central bank governor Felipe Medalla na ang ‘wider interest rate differentials” sa pagitan ng US Federal Reserve at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) policy rates ay maaaring mag- exert ng presyur sa piso.

“Dollar-denominated assets tend to be more attractive to investors seeking higher-yielding investments with lower risk,” ayon sa ulat.

“With investors uncertain whether US interest rates will further rise or stay where they are, that leaves peso-denominated assets paying a lower premium and consequently, hurting the Philippine currency,” ayon pa rin sa ulat.

Ang sinabi lamang ng DBCC, ang piso ay makapagbibigay lakas ng hanggang P53 laban sa ‘greenback’ sa 2024 hanggang 2028.

Ang peso-dollar exchange rate ay P56.05 sa spot currency market nang magsara ang kalakalan, araw ng Biyernes.

Samantala, muling ni-recast ng economic managers ang kanilang inflation forecast sa isang narrower band na 5%-6% ngayong taon mula sa nakalipas na assumption range na 5%-7% dahil na rin sa pagpapagaan sa inflation readings sa nakalipas na apat na buwan.

Ang official target ng Bangko Sentral ngayong taon ay 2% hanggang 4%.

Ang growth target para sa taong 2023 ay nananatili sa 6% hanggang 7% range. (CHRISTIAN DALE)

316

Related posts

Leave a Comment