PISTA NG STO. NINO SA PASAY MAKULAY

IPINAGDIWANG sa lungsod ng Pasay ang taunang Fiesta del Sto. Niño Grand Procession na pinangunahan ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na tumayong Hermana Mayor at dinaluhan ng mahigit 40,000 deboto.

Nagmistulang bahag-hari ang mga kalsada dahil sa makukulay na palamuti ng mga karosa na sinabayan ng tunog ng tambol at pagsasayaw ng mga naka-costume na mananayaw.

Ipinarada ang iba’t ibang imahe ng Sto. Niño mula sa tapat ng Pasay City Hall hanggang sa Philippine International Convention Center (PICC) sa open grounds ng Star City. (DANNY BACOLOD)

15

Related posts

Leave a Comment