PITMASTER UMAALALAY SA DSWD

SABONG ON AIR NI KA REX CAYANONG

HALOS walang tigil ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektado ng lindol sa Northern Luzon.

Ganyan kasipag si DSWD Sec. Erwin Tulfo at ang kanyang mga tauhan.

Kamakalawa, dumating ang apat na delivery trucks ng National Resource and Logistics Management Bureau sa Bangued, Abra.

May dala itong 6,400 family food packs mula sa Regional Warehouse ng DSWD Region 3 na bahagi pa rin ng tulong para sa mamamayang naapektuhan ng malakas na lindol noong nakaraang linggo.

Hindi pa kasama riyan ang iba pang ayuda sa maraming lugar sa parteng hilaga.

Kaya nagpapasalamat si Tulfo sa mga ahensya at organisasyon na tumutulong sa kanila.

May dinala rin silang 76 units ng 1.5 at 8.5 kilo-volt-amperes (kVA) generators at 60 portable rice mill machines sa Abra.

Ang DSWD Field Office 1 naman ay nakatanggap ng donasyon na 521 boxes ng bottled water, 60 boxes ng canned goods, 33 boxes ng instant noodles, 19 packs ng assorted biscuits, 35 packs ng 5-kilogram (kg) rice, four (4) packs ng 10kg rice, 15 packs ng fruit juice, at isang pakete ng assorted goods na nagkakahalaga ng P350,000 mula sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Nagpadala rin daw ang International Organization for Migration (IOM) ng relief items sa Abra tulad ng 1,000 plastic tarpaulins/shelter tarps na nagkakahalaga ng P3 milyon kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ngayong panahon ng pandemya, umaalalay rin sa DSWD ang Pitmaster Foundation, Inc.

At kamakailan nga, nag-donate ang Pitmaster sa pamamagitan ni executive director Atty. Caroline Cruz ng wheelchairs at ambulansya sa ahensya.

Ang ceremonial turnover ay dinaluhan nina Tulfo at Cruz sa DSWD Head Office sa Quezon City nitong Lunes.

Aba’y mahalaga ang dalawang fully equipped ambulances at 150 units ng wheelchairs sa departamento.

Kaya labis nga ang pasasalamat ni Tulfo sa Pitmaster, lalo na sa kanilang chairman na si Boss Charlie “Atong” Ang.

Ayon nga kay Tulfo: “Magagamit po namin ‘yan kasi marami po tayo ditong mga senior citizen na bigla na lang nanghihina d’yan sa mga tent namin. Kailangan po naming isugod sa mga ospital or kaya ihatid po sa mga pinakamalapit na sakayan. So that is very helpful and very timely po.”

Sa ngayon, nakaantabay at nakahanda pa rin ang DSWD sa anumang karagdagang tulong at mga pangangailangan ng mga apektadong field offices sa Hilagang Luzon.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

209

Related posts

Leave a Comment