PITO KATAO INARESTO SA P200-K SHABU

CAVITE – Sa kabila nang mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine at curfew, nakapagpalusot ng mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ngunit nadakip sa buy-bust operation ang pito katao sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito.

Kinilala ang arestadong mga suspek na sina Joey Eroles, 36; Roger Delos Santos, 36; John Christoper Leynes, 25; Lourence Jay Don, 24; Jayson Paraon, 32; Handrix Rivera, 38, at isang alyas Peribot.

Sa ulat ni P/SSgt. Elfie Galit ng Cavite City Police Station, dakong alas-4:30 noong Miyerkoles ng hapon nang magkasa ng buy-bust operation ang mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cavite CPS sa Brgy. 15 ng naturang Lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto kay Eroles.

Nakumpiska sa kanya ng mga awtoridad ang tinatayang 23.54 gramo ng shabu na may street value na P162,250.

Dakong alas-6:45 ng gabi noong Miyerkoles, muling nagsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng Cavite CPS sa nasabi ring barangay na nagresulta sa pagkakadakip kay Delos Santos at nakumpiska ang 2.81 shabu na tinatayang P19,100 ang halaga.

Nadakip din ang mga suspek na sina Leynes at Don sa bayan ng Gen. Mariano Alvares, at sina Paraon, Rivera at  Peribot  sa Gen. Trias City.

Sa kabuuan, nakumpiska mula sa mga suspek ang umabot sa 43.57 gramo ng shabu na may street value na P236.750. (SIGFRED ADSUARA)

187

Related posts

Leave a Comment