PLASTIC WASTE AAKSIYUNAN SA ASEAN SUMMIT     

aseanwaste

(NI BETH JULIAN)

NAGKASUNDO ang mga bansa sa timog silangang Asya na labanan ang matinding problema sa basurang plastik sa mga karagatan.

Sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa Bangkok, Thailand, tinanggap ng mga bansa ang ‘the bank of decoration ng the Bangkok declaration and combating marine debris in Asean region.

Apat sa 10 mga bansa sa timog silangang Asya ang kabilang sa itinuturing na top polluter o pinakamalalang nag-aambag ng kalat sa buong mundo at ito ay ang Indonesia, Vietnam, Thailand at Pilipinas.

Nangako rin ang 10 bansa sa Timog silangang Asya na palakasin ang kanilang aksyon para mabawasan ang mga basura sa tubig.

Pinuri naman ng mga makakalikasan ang nasabing deklarasyon dahil magandang hakbang ito para sa mas malinis na karagatan sa rehiyon.

Una nang nakipagpulong si Pangulong  Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng Thai sa kanyang unang araw sa Bangkok, Thailand para sa ika-34th ASEAN Summit.

Sa nasabing pulong, hinikayat ng Pangulo ang mga negosyante na mamuhunan sa Pilipinas.

Nitong Sabado,ng gabi nang isinagawa naman ang summit meeting sa pagitan ng mga lider ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, at wala pang impormasyon kung saan nabanggit ng Pangulo sa pulong ang pagbangga ng Chinese vessel sa barkong pangisda ng mga Filipino sa Recto Bank.

Nakipagpulong din ng Sabado ng gabi ang Panglo kay Indonesian President Joco Widodo saan tunalakay ang safeguard measure sa pag-aangkat ng kape mula sa Indonesia.

 

182

Related posts

Leave a Comment