PNP CHIEF: WALA NA DAPAT SECOND CHANCE SA MGA AWOL NA PULIS 

albayalde121

(NI AMIHAN SABILLO)

SARADO na ang pintuan ng Philippine National Police (PNP) para sa mga AWOL o absent without leave ng mga pulis na gustong bumalik sa serbisyo, ito ay kung si PNP chief Gen. Oscar Albayalde lamang ang nasusunod.

Pagdidiin ito ni Albayalde  makaraang iprisinta sa media ang isang pulis na nakabalik sa serbisyo matapos mag-AWOL, na nahuli ng PNP-IMEG kagabi dahil sa pagtutulak ng shabu.

Ayon sa hepe ng pambansang pulisya, si Patrolman Leo Valdez ay pumasok sa PNP noong 2007 pero nag AWOL noong 2014 at nakabalik sa serbisyo noong 2017.

Sinabi na nito na nakababalik ang mga pulis na nag-AWOL na tinanggal sa serbisyo, dahil umaapela sila Regional Appellate Board ng National Police Commission o NAPOLCOM.

Ang NAPOLCOM aniya ang nagdedesisyon na pabalikin ang naturang pulis dahil sa mga technicality, at walang magagawa ang PNP kundi sundin ang NAPOLCOM kahit binaligtad ang kanilang desisyon.

Kaya aniya sinisiguro ngayon ng PNP na nasusunod ang ‘due process’ sa pagtatanggal ng mga tiwaling pulis para hindi na makabalik ang mga ito.

Sa ngayon aniya, wala pang pulis na tinanggal mula 2016 ang nakabalik sa serbisyo.

256

Related posts

Leave a Comment