PNP KAYANG MAGTRABAHO NANG WALANG NAMAMATAY

PINATUNAYAN ng Philippine National Police (PNP) na kaya nitong magtrabaho nang walang namamatay sa kanilang operasyon.

Reaksyon ito ni House committee on public order and security chairman Rep. Dan Fernandez matapos mahuli ang dumukot at pumatay sa negosyanteng si Anson Que at driver nito na si Armanie Pabillo.

“This is really good news! Ito ay patunay na seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa krimen. At higit sa lahat, walang namatay sa operasyon. Maari naman palang magawa ito ng ating kapulisan,” ani Fernandez.

Unang naaresto ng PNP ang dalawang suspek na sina Ricardo Austria David at Raymart Catequista sa Palawan habang sumuko naman ang ikatlong suspek na si David Tan Liao sa Camp Crame.

Si Liao na isang Chinese national ay kilala rin umano bilang Xiaoxiang Yang, Yang Jianmin at Michael Abadyung ay nasa likod din ng ilang kaso ng kidnapping.

“This development shows the growing capacity of our law enforcement agencies to resolve cases with professionalism and restraint. We should encourage this kind of performance from our police officers,” ayon naman kay House committee on dangerous drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers.

Hindi man binanggit tila pinatutsadahan ng dalawang mambabatas ang nakaraang administrasyon dahil naging madugo ang operasyon ng PNP lalo na sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, pinuri nina Barbers at Fernandez si PNP Chief Rommel Marbil dahil pinatunayan umano ng mga ito na kaya nilang magtrabaho na walang namamatay.

“This is an excellent example of what determined, evidence-based policing can achieve. Kudos to Gen. Marbil and his team for getting the job done without unnecessary loss of life,” ayon pa kay Barbers.

(PRIMITIVO MAKILING)

28

Related posts

Leave a Comment