PNP MAGTATAYO NG TASK GROUP PARA SA VALIDATION NG FLOOD CONTROL PROBE

INIHAYAG ni Acting PNP Chief Lt. Gen. Melencio Nartatez Jr. na magtatatag sila ng top-level task group para tumulong sa imbestigasyon sa mga flood control projects sa bansa.

Ayon kay Nartatez, hakbang ito bilang tugon sa liham ni DPWH Secretary Vince Dizon na humihingi ng police assistance para sa validation ng mga proyekto.

Dagdag pa ng opisyal, pangunahing tungkulin ng PNP ang pagbibigay ng seguridad at pagpapanatili ng kaayusan upang hindi maharang ang proseso ng imbestigasyon.

Tiniyak din ni Nartatez na hindi maaapektuhan ng karagdagang deployment ang regular na operasyon ng PNP sa pagtitiyak ng kapayapaan sa buong bansa.

Samantala, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Brig. Gen. Randulf Tuano na handa ang pulisya na makipagtulungan sa Commission on Human Rights (CHR) kaugnay ng isasagawang “impartial inquiry” hinggil sa umano’y paggamit ng labis na puwersa ng mga pulis sa anti-corruption rally noong Linggo.

Ayon kay Tuano, wala pa silang natatanggap na pormal na imbitasyon mula sa CHR pero kinikilala ng PNP ang mandato ng komisyon na magsagawa ng independent investigation.

Matatandaan na inanunsyo ng PNP na makakasuhan ang mga nanggulo at inaresto sa protesta, at tiniyak na mahaharap sa airtight cases ang mga nasa likod ng kaguluhan.

(TOTO NABAJA)

92

Related posts

Leave a Comment