NAPATAY NA RIOTER SA ANTI-CORRUPTION RALLY KINUMPIRMA NI ISKO

KINUMPIRMA ni Manila Mayor isko Moreno-Domagoso ang ulat ng Department of Health (DOH) na ang isang lalaking namatay sa saksak na isinugod sa ospital, ay sangkot sa marahas na anti-corruption rally noong Setyembre 21.

Ginawa ni Mayor Isko ang kumpirmasyon kasabay ng pagprisenta sa suspek na kinilalang si Richard Francisco, 52, isang repairman ng relo.

Nangyari aniya ang insidente sa intersection ng CM Recto at Quezon Blvd. kung saan doon tumakbo ang ilang kabataang sangkot sa panggugulo.

Boluntaryo naman aniyang sumuko ang suspek na si Richard Francisco.

Ayon sa suspek, nagdilim ang kanyang paningin nang tinangkang sirain ang kanyang negosyo kaya nagawa niyang tusukin ng isang beses ang biktimang isang 15-anyos na binatilyong mula sa Taguig City.

Dagdag pa ng suspek, nakita niya kung paano nanggulo ang mga kabataan tulad ng pagsira sa SOGO Hotel, at pagsunog sa mga motorsiklo.

Nagsisisi naman ang suspek sa kanyang nagawa na aniya ay hindi niya naman sinadya at nabigla rin sa panggugulo ng mga raliyista.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Mayor Isko sa pamilya ng biktima

Una rito, nitong Lunes ini-report ng DOH na isang ‘di pa nakilalang lalaki ang namatay sa saksak.

Galing umano ito sa Mendiola ngunit idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

(JOCELYN DOMENDEN/RENE CRISOSTOMO)

92

Related posts

Leave a Comment